Hay. Parang kailan lang ako iyong nasa posisyon ng mga taong ito. Noong first year ako nagkukumahog ako sa pag-aaral. Talagang lahat ng aking markang matatanggap ay aking pinaghihirapan. Pagdadaanan ko muna ang butas ng karayom para lang makapasa ako sa lahat ng subjects. Noong second year medyo lumuwag-luwag ng kaunti. Natutunan ko ang mga "tricks of the trade" ika nga ng nakararami. Natutong mangopya ng asaynment ng may asaynment at pati na rin sa mga quizzes at summative test. Third year ko natutunan ang lahat. Basta huwag mo nang alamin kung ano yung lahat na iyon baka magulat ka lang. Haha.
Lubos akong nagpapasalamat sa mga taong aking babanggitin sa post kong ito. Musmos man at wala pang kamuang-muang sa mundo ay nagawa nilang kahit papaano'y pasayahin ang buhay ko. Kung wala sila marahil hindi makukumpleto ang aking ikaapat na taon sa hayskul.
Mga First Years:
Mga aking naging kasama tuwing kami ay mayroong vacant. Masasarap kausap at masasayang kasama. Kahit na bata pa ang kanilang isip ay kahit papaano nagkakaintindihan kami.
Archimedes:
LOTHAN--Sino ba namang makalilimot kay Lothan. Ang cute na cute na batang aking nakilala? Ok. Sige maniwala na lang kayo sa akin. Kahit na may pagka... alam mo na, mabait din naman siya. Ang kailangan mo lang naman talaga ay pasensiya at makakaraos ka na.
ANA-- Nakilala ko noong Intrams. At naging kagrupo ko rin siya noong Math Camp. Mabait ang babaeng to. Sobra. Kaso may pagkakulet lang naman kung minsan. Haha.
MARGARITA-- Nakilala ko rin siya noong Intrams. Cute at masarap kausap. Kapag nagkakasalubong kami ay siya mismo ang nauunang mag-hi sa iyo. Hehe.
GERARD-- Di kami close pero kilala ko siya dahil sa aking magandang kaklase. Haha.
Armstrong:
LAZELLE-- Hindi ko alam yung spelling ng pangalan mo. Pero feeling ko tama naman. Hindi ko alam kung paano ko siya nakilala. Ang alam ko pinakalila siya sa amin ng mga kaibigan namin sa Fermi.
Curie:
VICTOR at JAMES-- Mga kagrupo ko sa Math Camp. Sadyang magagaling ang batang ito. Galing.
Euclid:
KAINOA-- Oo, si Kainoa. Weirdo yung pangalan niya no? Noong una nagkaroon kami ng masamang impresyon sa batang ito. Kinaaway ba naman ang mga fourth years at section ko pa ang inaway. Galing niya no? Pero nakausap na rin naman namin siya at mukhang nagbago na siya ng kanyang ugali.
Descartes:
ALJERI-- Nakilala ko dahil ke Ruzcko. Maganda tong batang to although hindi pa siya gaanong nagbobloom alam ko pagbalik ko at pagbisita ko sa Masci magiging Crush ng bayan ang babaeng to. Haha. Wag lalaki ulo ah.
JUBHIELYN-- Sana tama rin ang spelling ng pangalan mo. Haha. Kagrupo niya sila Aljeri. Makulit ang babaeng to. Haha. Nahuli ko to isang araw kumakanta sa may maliit na hallway sa may Bordner. Haha. Singer ka no?
KAREN-- Kasama rin niya sila Aljeri. Maliit man ang babaeng to alam ko may ibubuga siya. Mabait ang batang to. Masayahin. Masarap kausap. Hmmmm. Goodluck na lang sa mga susunod mo pang taon sa Masci. Hehe. Sorry naman a.
JEROME-- The only boy in the group. Hahaha. Makulit ang batang to eh. Itsura pa lang. Chubby. Parang kaklase ko lang. Lagi kong nakikitang tumatawa na parang wala ng bukas. Komedyante ka paglaki mo no?
Fermi:
Eto ang paborito kong section sa first year. Mababait kasi sila eh. Kaya ayun.
JENINE-- Huwaw. Best friend ko ata tong babaeng to. Madaldal siya katulad ko. Marami na rin kaming napag-usapan na talaga namang kabigha-bighani. Haha. Sobra kong mamimiss ang babaeng ito. Siya ang nagpapagaan ng pakiramdam ko tuwing makikita ko siya. Ang kulit kasi eh. Haha.
RUZCKO-- A eto. Batang laging problemado sa pag-ibig. Malay ko ba kung may sumpang dala ang batang ito. Basta ganun na lang siya. Nakilala ko siya nung Intrams. Sumayaw siya ng Womanizer. Galing nga eh. Ahahaha. Bata pa lang may potensyal na. Future heartthrob ata to pag-alis namin eh. Malay natin.
IANA-- Waw. Eto heavy talaga. Di ko na maalala kung kelan kami nagkakilala eh. Basta ayun. Bigla na lang kaming nagha-hi sa isa't isa, nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Sikat na sikat tong babaeng to sa first year eh. Siguro dapat ko pa siyang makilala ng mas mabuti kasi baka mamaya maging artista to eh.
ELIJAH-- Nakaaway ko tong batang to. Mayabang kasi eh. Nakakainis. E ayaw ko pa naman sa mayayabang. Kaya ayun. Nag-away kami. Haha. Ang sama ko. Pero bati na naman kami ngayon eh. Hindi na siya mayabang. Marahil nagkamali lang ako ng intindi sa mga ikinilos ng batang to.
KENNETH, MARIETTE, INAH, at IBA PA-- Hindi ko kabisado ang mga pangalan ng mga batang ito eh. Pero basta ang naaalala ko, nakatabi namin sila minsan noong lunch. Noong una pinaparinggan pa namin pero kinalaunan sumuko na kami. Mababait naman sila eh. Masarap din kausap. Hehe.
Galileo:
ADRIAN--Nakilala ko nung nagkaroon kami ng dare kasama ng aking mga 7-11 Friends. Kahawig niya si Adrian ng batch namin. Oo. Pramis. Haha. Mabait din at magalang.
Lavosier:
Ito. Isa ring bestfriend ng section ko. Well, siguro ako lang pati nina Glazelle at Ginalyn. Diba Gigi? Ahahaha. Nice one.
CLEVERLYN-- Nako. Napakadaldal nitong babaeng to. Halimaw. Pareho kami. Walang minutong natahimik ang babaeng ito. Isa sa mga bespren kong first year. Makulit, masayang kausap, magulong kasama. Lahat na. All in one. Weeee.
PATRICIA-- Bitter Girl ang palayaw ko sa kanya. Nakilala ko noong Intrams. Grabe. Nakakatakot pala tong maging leader eh. Hayup. Magaling mag-volley ball. Haha.
DAINE-- Kapananampalataya ko to eh. Haha. Lalim no? Kapatid! Hehe. Nakilala ko dahil kay Cleb. Hindi ko maalala ang dahilan kung bakit ko siya gustong makilala. Basta nagkakilala na lang kami. Haha. Wag nang magpapatisod ah? Ayos ba yun kapatid?
ZILDJIAN-- Napakahirap naman ipronounce pangalan mong bata ka. Ahahah. Kapatid ko din to eh. Napakagulo mo kasama. Masarap ka ring kausap. Wag ka magbabago ah. Dapat pagbalik ko ganun ka pa rin. Ok? Tsaka, wag gayahin si Daine. Magsama kayong dalawa para di kayo matisod.
JORELL, JASON, ERIC, DALE at IBANG LAVO BOYS-- Kung gaguhan ang hanap mo, sila kausapin mo. Nakilala namin sa may stage. Nagpatalbugan pa nga kami ng jokes eh. Ahahahah! Yea.
Pasteur:
JETHRO--Batang makulit. Pinagpapasa-pasahan ng nakararami. Hahaha. Peace tayo ah. Masarap kausap din, gago lang talaga kung minsan.
MICHIKO-- Hai. Haha. Nakilala ko dahil kay Zildjian ata. Di ko na maalala. Mabait. Maganda. Kapatid ko din to eh. Ang sarap pisilin ng pisngi ng batang to. Ang cute cute kasi. Ahahaha.
CRISTELLE-- Nakilala ko nung Intrams. Maingay to eh. Mahilig sumigaw. Di ata nauubusan ng boses eh. Ahahaha. Nakaaway ko rin to, siya nagsisimula eh. Ganun. Pero bati na kami.
Mga Second Years:
Mga batang nalagpasan ang unang taon sa Masci. Malagpasan rin kaya nila ang susunod pang dalawang taon?
MASARU-- Hapon na bata. Kilala ko na siya noong first year pa lang. Napakagalang ng batang to. Kahit na sinabihan ko na siya na huwag akong i-po ginagawa niya pa rin. Galing no? Matalino to eh. Sobra. Ahahaha. Goodluck sa iyong school life pati sa lovelife na din.
JESSICA-- Kagrupo ko nung Math Camp. Kahit sandali lang kami nagkakilala, masasabi kong mabait naman siyang bata. Matangkad to eh. Di pangkaraniwan para sa isang babae. Haha.
JAN-- Waw. Persyir pa lang ang batang to kilala ko. Actually, di siya bata eh, ka-edad ko lang naman to eh. So no use. Ahaha. Makulit to eh. Madaldal din. Magaling mag-English. Atenista eh, dati. Pahinga daw muna ngayong hayskul. Mayaman rin to. Hahaha. Rich kid!
JESSICA Z. -- Bago pa lang siya pumasok ng Masci kilala ko na siya. Mabait at tahimik nga lang lagi.
HILEN-- Tama ba spelling? Sana tama. Hahaha. Maganda tong batang to. Maputi. Kaso dati parang hindi ko siya magiging kaibigan, mukha kasing mataray eh. Pero di naman pala. Hehehe.
EPONINE-- Kay ganda ng kanyang pangalan. Syempre. Bida ata siya sa Les Miserables. Yung pangalan ah. Hahaha. Kepler to. Wohooo! Magaling eh. Lalo na sa taekwondo. Hyaaaa!
VENMARI-- Hyess. Ang ganda ng babaeng to. Sobra. Tall, dark and beautiful. Well di naman siya ganun ka-dark pero ayos na rin. Nakilala ko dahil ke Peter ata. Di ko na maalala eh. Basta ang importante magkaibigan kami. Haha. Pagbisita ko dapat maganda ka pa din ah. Hehe.
AYCAH-- Nagkakilala kami noong tinuro siya ng kanyang kaklase. Haha. Hinahanap ko siya eh. Basta ganun yun. Maputi to. Mukhang anemic eh. Pero mukhang di naman. Mabait din siyang bata katulad ng nakararami.
MARIANNE-- Ay nako. Patay na patay to sa kaklase ko e. Ahahaha. Galing niya kumanta. When will my reflection show blah blah. Ayunnn. Madaldal ang babaeng to. Bukambibig niya lagi si ano. Mahal niya eh. Ahahaha. Susundan pa naman daw pati sa unibersidad na papasukan? Galing!
JONAN-- Mahaba buhok neto. Pramis. Haha. Magaling sumayaw. Small but terrible ang dating eh. Kilala ko siya first year pa lang siya. Curie diba? Hahaha. Ipagpatuloy ang iyong magagaling na pag-indayog. Aja.
JESPER-- Kagrupo ko nung Math Camp. Halimaw to sa Math eh. Galing. Kaso mahiyain, di man lang nagvolunteer na tulungan kami nung sa Mental Math. Haha. Pero kahit papaano ay nakatulong din siya. Siya na pinakinggan nung mga game master eh. Kahit di siya kasali. Ahahaha.
ANA-- Taga-curie noong first year. Mabait na bata. Hindi ko lang maalala kung kelan kami nagkakilala. Basta ang masasabi ko mabait siya.
SEANNE-- Napakacute ng batang to. Haha. Mabait at masarap kausap. Palakaibigan din. Kaya nga kami nagkakilala eh. Ganun yun. Ehehehe. Goodluck ke ano ah. Ahahaha.
AURELENE-- Sus. Kilala ko na to wala pa siya ng Masci. Hehe. Makulit to eh. Me gusto daw siya dati ke ano. Secret ko na nga yun. Ahahaha.
RAFFY-- Tahimik. Pero magaling daw magjoke nga mga berdeng jokes. Di ko alam. Di ko naman siya masyado nakakausap eh. Hahaha.
JOSE-- Makulit to. Madaldal. Nagkakasabayan kami minsan sa LRT. Minsan lang naman.
NICOLE-- Nakilala ko to sa plurk. Online buddy. Hahaha. Kulot. Mabait. Masarap kausap. Nag-one on one talk na rin kami neto eh. Bawt sa future. Goodluck sa Architecture.
FRANZ-- Hmmm. Tahimik ang batang to. Pero ramdam ko napakakulit niya. Di ko lang sigurado. Hehehe.
REMZ-- Ah. Tong batang to? Ahaha. Makulit. Madaldal. Athletic. Mabait. Magkaibang magkaiba kami neto eh. Di ko lang alam kung bakit kami naging close. Basta, tadhana siguro. Ahahaha. Eto lang masasabi ko sa iyo. Huwag kang maghintay ng matagal. Paano kung di ka naman nun mahal? Wala ring mangyayari. Pero ikaw bahala. Nasaiyo ang desisyon.
Mga Third Years:
Nako. Kumukulo dugo ko pag third year pinag-uusapan. Di ko makalimutan yung nangyari noong Intrams eh. Sobra. Anyways, di naman lahat masama eh. Kaya ayos lang. May mga panira lang talaga.
JANE-- Bespren. Hahaha. Lahat ata ng problema neto halos alam ko na eh. Hehe. Tsaka mukhang buwan buwan na lang me problema to sa pag-ibig. Nakilala ko to dahil kay Adelyne na dahil na rin kay C. Ayun. Mabait at masayang kausap. Sa kanya ko nakukuha ang mga ilang happenings sa kanyang batch. Siya rin ang source ko noong lulubog lilitaw pa ang prom.
ADRIAN--Ayan magkasunod na kayo ni Jane. Sana naman maging masaya kayo sa isa't isa. Alam ko naman kaya niyo eh. Mabait naman tong batang to. Kaya lang... minsan yumayabang. Pero mabait pa rin. Ayos na.
ARVIE--Nako! Mamimiss ko to ng sobra sobra. Hindi mapapantayan ang kadaldalan ng babaent ito. Hayuppp! Mabait din to eh. Masarap kausap. Gago kasama. Kaya nga mabilisan kaming naging close eh. Field Demo noong nakilala ko siya.
KRISA--Uhhh. Kepler siya dati kaya ko nakilala. Mabait at maganda ang babaeng ito. Parang lagi nga lang umiiyak kasi mapula-pula yung pisngi niya.
GLEA--Hmmm. Maganda ang babaeng to. Pramis. Mabait din. Magalang nga eh. Kahit magkaedad lang kami. Hahaha.
DWIGHT-- Lagi ata siyang escort ng gabay ng wika kaya nakilala ko siya. Pabago-bago ng minamahal taon-taon pero ngayon stick to one na ata. Goodluck sayo!
Ayan. Napakahaba ng aking post. Mas mahaba pa sana ang aking gagawin kaso wala na akong oras. Pasensya sa mga hindi ko nabanggit. Sorry.
Mahal ko kayong lahat. Walang kalimutan ah. Keep in touch lagi.
warning!
This is MY Blog.
Kung ano man ang nakalagay dito, nakao-offend man o hindi, wala kang pakialam.
Akin naman ito eh, hindi sa iyo.
Kapag nainis ka sa laman neto, paki ko sa yo. Gumawa ka rin para masaya ka.
Ok?
whats special about me
Welcome to my blog. Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
"Jedd" for short I am 15 years old.
Senior.
Mascian
Diligence Kepler Hertz Lawrence
DILIKEHERENCE!
cherishes
I love myself.
I love Dilegence.
I love Kepler.
I love HERTZ.
I love LAWRENCE.
I love Masci.
I love YOU!