June 1, 2009. First Day of Classes. Manila Science High School. 12:30 p.m.
Hindi ko alam ang tunay na rason kung bakit ko naisipang pumunta sa Masci. Una siguro kasi madadaanan ko rin naman ito papauwi. Galing kasi ako sa PLM, ang aking future universiry na papasukan. Kaya napag-isip isip ko na rin na dumaan at bumisita sa aking minamahal na paaralan.
Dumating ako at nakita ko sa may gate pa lang ang aking minamahal na adviser noong ako'y nasa ikaapat na taon, Si Maam Carlos. Kasama niya sina Maam Faylogna, Sir Bangayan at ang iba pang guards. Laking gulat ko nang nakita ko sina Peter at Japau. Bumisita rin pala sila sa Masci. May pinag-uusapan sila noong pumasok kami, ang paksa, tungkol lang naman ito sa kababalaghang nagawa ng isang section na siguro dapat hindi na banggitin. Nag-asaran, tawanan at kwentuhan. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Maam Carlos at Maam Faylogna, kakain na raw sila ng kanilang tanghalian.
Ako, si Jeremae, pati si Ginalyn ay nagpunta sa canteen. Whoa. Bagong Pintura na ang kantin!!! Masyado nga lang maliwanag pero ayos na rin naman. Wala namang masyadong nagbago. Mainit pa rin at masikip. I love it. Parang doon pa rin ako nag-aaral, how i wish. Bumili ako ng isang banana cake para malamanan ang aking kumakalam na tiyan. Lumabas na rin kami sa kantin.
Pagtapos nun ay pumunta kami kay Ninang Zeny, a.k.a. Maam Diaz. Wala lang. Naisipan lang naming bisitahin ang aming minamahal na guro sa matematika.Nagkamustahan. Tila ilang taon na ang lumipas nang huli kaming nagkita. Nakakamiss ang mga panahong nakaupo ako sa loob ng silid-aralang iyon at nakatunganga, nag-iisip kung dapat ba akong makinig o hindi. Ahahaha. How I miss the Days. Nagpaalam na rin kami at umalis.
Syempre. Hindi maiiwasan na makita ko ang aking mga naiwang nakababatang kaibigan roon. Sa sobramg liit ba naman ng MaSci eh hindi pa ba kami magkikita? Nakita ko sina Aljeri, Jubhie at Leicelle sa canteen. Wow. Para bang artista ako kasi kahit saan ako lumingon tila may nakakikilala sa akin. Hyess. Instant Celebrity. Paglabas ko nakita ko naman sina Marian at Angelica. Woa. Di talaga ako nauubusan ng kakilala dito.
Dahil nagtatago kami sa mga department heads, napagdesisyunan naming hindi muna dumaan sa may bandang lobby at office. Doon kasi sila nakatambay parati. Dumaan na kami sa quadrangle a. Wala namang pinagbago, puno pa rin ito ng mga estudyanteng nagpapalipas ng oras. Sa stage man, sa ucb, at sa mga benches, sadyang maraming estudyante ang nakatambay rito.
Nakita ko sina Jenine, Cleverlyn, Masaru, Patricia, Lexter, Shamie, at Krisa sa Quadrangle. Kinausap namin sila sandali. Nakakamiss talagang kausapin ang mga taong ito. Sana lang talaga high school pa rin ako. Pero hindi eh. Kailangang umusad, kailangan kong mag kolehiyo. Para walang away.
Pag-alis namin ng Quadrangle A, dumiretso na kami muna sa may guardhouse, sinundo sina Beverly at Annalyn. Kukunin kasi nila ang yearbook nila at bibisitahin si ETM. Ahahaha. So ayun, matapos nilang makuha punta kami ng Bordner, at dumaan sa Room ni Maam Palisoc. Nakagawian ko na na makipag-chismisan ke Maam Palisoc. Sayang nga lang at hindi ko kasama ang "Palisoc Friends", Ako, Glazelle, Louise at Patty. Wala namang masyadong nangyari. Nakipagkwentuhan at nagkamustahan kami. Nagkatawanan pa nga nung maalala namin ang mga kadayaang ginawa nung Kepler. Hehe. Section ko nung second year. Sariwang-sariwa pa sa memorya ng aking minamahal na MAPEH teacher. Gusto pa naming makipagkwentuhan kaso hindi na kakayanin ng oras, may klase na kasi si Maam Palisoc kaya umalis na rin kami.
Naglibot kami sa Bordner. Nagulat kami nang makita namin si Maam De Leon, ang aking adviser noong third year. Teacher na pala siya ng mga first year ngayon. Ang seswerte ng mga freshmen ngayong taon, pagpasok pa lang nila isang mabait at masayang teacher na ang kanilang magiging guro. Nang malaman ang oras napansin ni Maam D na wala pa rin ang kanyang klase kaya minabuti niyang ipasundo sa amin ang sectiong ito. Kaya umalis na rin kami at tumungo sa Maceda.
Hayun. Sinundo na namin ung Burbank sa tapat ng M13. Nakita ko doon sina Eponine, at Ven Mari. Agad din naman silang pumunta sa room 214 kung saan naroon ang kanilang guro. Napag-alaman ko na doon pa rin pala si Gng. Gozo nagtuturo at guess what, handle niya lahat ng fourth year. Anim na section din yun ah. Bilib ako sa kanya. Grabe.
Dahil excited sina Annalyn at Beverly na makita si ETM. Nagmadali na kaming pumunta sa Fourth Floor ng Main Building pero syempre hindi dapat kami sa Main Building dumaan kasi may mga department heads doon kaya nag detour kami sa Maceda. Laking gulat ko nang makita ko si Ruzcko sa klase ng Biology. Wala lang. Nagulat ako eh. Haha. Tapos noon umakyat na kami sa fourth floor. Sumilip-silip sa mga rooms Nagulat na lamang ako ng biglang kumaripas ng takbo sina Analyn at Beverly. Nakita na nila si Elijah. Nasa filipino room at may klase. Kaya nagpasya silang pumunta muna ke Maam Precious Bautista. Ayun. Nakausap namin siya. As usual wacky pa rin kausap si Maam. Hahahha. Nakakamiss tuloy ang Physics room na yun.
Kumain muna kami sa Mcdonald's para magpalipas ng oras. Desperado talaga kasi ung mga kasama ko na makita ulit si Elijah. Marami rin kaming napag-usapan sa Mcdo. Pagtapos kumain bumalik na kami sa MaSci. Nakatutuwang isipin na sa aming paglalakad patungong Masci ay nabaling ang pag-uusap tungkol sa sex scandal ni Hayden Kho. Wala lang. Bigla lang lumabas. Kami ni Alekx tila kabisado na ang nilalaman ng video at yung dalawa naman walang kaalam-alam tungkol sa mga ganung bagay.
Pumasok na kami ng Masci at patuloy pa rin ang ganoong pag-uusap. Nakita na rin naming bumababa ang section ni Elijah. So natuwa naman yung dalawang kong kasama pero hindi muna nila iyon pinansin kasi busy sila sa pakikinig ng kwento tungkol doon sa video ni Hayden at Maricar. Ahahaha. Nakita kami ni Zildjian at sumali sa usapan. Alam din pala niya iyon. So gumanda lalo ang usapan. Matapos noon nagpaalam na kami kasi oras na talagang umuwi. Hapon na rin kasi at kailangan ko ng umuwi.
Hay. Nakapapagod ang araw na ito. Pero sobrang saya. Ang sarap balik-balikan ang lugar kung saan ka naging masaya. Apat na taon din ako dito, apat na taong puno ng kasiyahan, apat na taong talagang hinding-hindi ko malilimutan. Sayang nga lang at hindi na ako high school. Kung pwede lang sana ibalik ang panahon ginawa ko na sana. Pero hindi eh. Hindi kaya. Kailangang umusad. Kailangang magpatuloy.
Hindi ako sigurado kung kelan ako ulit makapupunta sa MaSci. Pero isa lang masisigurado ko, bibisita pa rin ako rito kahit isang beses lang sa isang taon. Di bale. Babalik pa naman ako sa Foundation Day eh. Na-eexcite na ako ngayon pa lang.
warning!
This is MY Blog.
Kung ano man ang nakalagay dito, nakao-offend man o hindi, wala kang pakialam.
Akin naman ito eh, hindi sa iyo.
Kapag nainis ka sa laman neto, paki ko sa yo. Gumawa ka rin para masaya ka.
Ok?
whats special about me
Welcome to my blog. Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
"Jedd" for short I am 15 years old.
Senior.
Mascian
Diligence Kepler Hertz Lawrence
DILIKEHERENCE!
cherishes
I love myself.
I love Dilegence.
I love Kepler.
I love HERTZ.
I love LAWRENCE.
I love Masci.
I love YOU!