Saturday, June 6, 2009

A Trip To MaSci. As an Alumnus.

June 1, 2009.
First Day of Classes.
Manila Science High School.
12:30 p.m.

Hindi ko alam ang tunay na rason kung bakit ko naisipang pumunta sa Masci. Una siguro kasi madadaanan ko rin naman ito papauwi. Galing kasi ako sa PLM, ang aking future universiry na papasukan. Kaya napag-isip isip ko na rin na dumaan at bumisita sa aking minamahal na paaralan.

Dumating ako at nakita ko sa may gate pa lang ang aking minamahal na adviser noong ako'y nasa ikaapat na taon, Si Maam Carlos. Kasama niya sina Maam Faylogna, Sir Bangayan at ang iba pang guards. Laking gulat ko nang nakita ko sina Peter at Japau. Bumisita rin pala sila sa Masci. May pinag-uusapan sila noong pumasok kami, ang paksa, tungkol lang naman ito sa kababalaghang nagawa ng isang section na siguro dapat hindi na banggitin. Nag-asaran, tawanan at kwentuhan. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Maam Carlos at Maam Faylogna, kakain na raw sila ng kanilang tanghalian.

Ako, si Jeremae, pati si Ginalyn ay nagpunta sa canteen. Whoa. Bagong Pintura na ang kantin!!! Masyado nga lang maliwanag pero ayos na rin naman. Wala namang masyadong nagbago. Mainit pa rin at masikip. I love it. Parang doon pa rin ako nag-aaral, how i wish. Bumili ako ng isang banana cake para malamanan ang aking kumakalam na tiyan. Lumabas na rin kami sa kantin.

Pagtapos nun ay pumunta kami kay Ninang Zeny, a.k.a. Maam Diaz. Wala lang. Naisipan lang naming bisitahin ang aming minamahal na guro sa matematika.Nagkamustahan. Tila ilang taon na ang lumipas nang huli kaming nagkita. Nakakamiss ang mga panahong nakaupo ako sa loob ng silid-aralang iyon at nakatunganga, nag-iisip kung dapat ba akong makinig o hindi. Ahahaha. How I miss the Days. Nagpaalam na rin kami at umalis.

Syempre. Hindi maiiwasan na makita ko ang aking mga naiwang nakababatang kaibigan roon. Sa sobramg liit ba naman ng MaSci eh hindi pa ba kami magkikita? Nakita ko sina Aljeri, Jubhie at Leicelle sa canteen. Wow. Para bang artista ako kasi kahit saan ako lumingon tila may nakakikilala sa akin. Hyess. Instant Celebrity. Paglabas ko nakita ko naman sina Marian at Angelica. Woa. Di talaga ako nauubusan ng kakilala dito.

Dahil nagtatago kami sa mga department heads, napagdesisyunan naming hindi muna dumaan sa may bandang lobby at office. Doon kasi sila nakatambay parati. Dumaan na kami sa quadrangle a. Wala namang pinagbago, puno pa rin ito ng mga estudyanteng nagpapalipas ng oras. Sa stage man, sa ucb, at sa mga benches, sadyang maraming estudyante ang nakatambay rito.

Nakita ko sina Jenine, Cleverlyn, Masaru, Patricia, Lexter, Shamie, at Krisa sa Quadrangle. Kinausap namin sila sandali. Nakakamiss talagang kausapin ang mga taong ito. Sana lang talaga high school pa rin ako. Pero hindi eh. Kailangang umusad, kailangan kong mag kolehiyo. Para walang away.

Pag-alis namin ng Quadrangle A, dumiretso na kami muna sa may guardhouse, sinundo sina Beverly at Annalyn. Kukunin kasi nila ang yearbook nila at bibisitahin si ETM. Ahahaha. So ayun, matapos nilang makuha punta kami ng Bordner, at dumaan sa Room ni Maam Palisoc. Nakagawian ko na na makipag-chismisan ke Maam Palisoc. Sayang nga lang at hindi ko kasama ang "Palisoc Friends", Ako, Glazelle, Louise at Patty. Wala namang masyadong nangyari. Nakipagkwentuhan at nagkamustahan kami. Nagkatawanan pa nga nung maalala namin ang mga kadayaang ginawa nung Kepler. Hehe. Section ko nung second year. Sariwang-sariwa pa sa memorya ng aking minamahal na MAPEH teacher. Gusto pa naming makipagkwentuhan kaso hindi na kakayanin ng oras, may klase na kasi si Maam Palisoc kaya umalis na rin kami.

Naglibot kami sa Bordner. Nagulat kami nang makita namin si Maam De Leon, ang aking adviser noong third year. Teacher na pala siya ng mga first year ngayon. Ang seswerte ng mga freshmen ngayong taon, pagpasok pa lang nila isang mabait at masayang teacher na ang kanilang magiging guro. Nang malaman ang oras napansin ni Maam D na wala pa rin ang kanyang klase kaya minabuti niyang ipasundo sa amin ang sectiong ito. Kaya umalis na rin kami at tumungo sa Maceda.

Hayun. Sinundo na namin ung Burbank sa tapat ng M13. Nakita ko doon sina Eponine, at Ven Mari. Agad din naman silang pumunta sa room 214 kung saan naroon ang kanilang guro. Napag-alaman ko na doon pa rin pala si Gng. Gozo nagtuturo at guess what, handle niya lahat ng fourth year. Anim na section din yun ah. Bilib ako sa kanya. Grabe.

Dahil excited sina Annalyn at Beverly na makita si ETM. Nagmadali na kaming pumunta sa Fourth Floor ng Main Building pero syempre hindi dapat kami sa Main Building dumaan kasi may mga department heads doon kaya nag detour kami sa Maceda. Laking gulat ko nang makita ko si Ruzcko sa klase ng Biology. Wala lang. Nagulat ako eh. Haha. Tapos noon umakyat na kami sa fourth floor. Sumilip-silip sa mga rooms Nagulat na lamang ako ng biglang kumaripas ng takbo sina Analyn at Beverly. Nakita na nila si Elijah. Nasa filipino room at may klase. Kaya nagpasya silang pumunta muna ke Maam Precious Bautista. Ayun. Nakausap namin siya. As usual wacky pa rin kausap si Maam. Hahahha. Nakakamiss tuloy ang Physics room na yun.

Kumain muna kami sa Mcdonald's para magpalipas ng oras. Desperado talaga kasi ung mga kasama ko na makita ulit si Elijah. Marami rin kaming napag-usapan sa Mcdo. Pagtapos kumain bumalik na kami sa MaSci. Nakatutuwang isipin na sa aming paglalakad patungong Masci ay nabaling ang pag-uusap tungkol sa sex scandal ni Hayden Kho. Wala lang. Bigla lang lumabas. Kami ni Alekx tila kabisado na ang nilalaman ng video at yung dalawa naman walang kaalam-alam tungkol sa mga ganung bagay.

Pumasok na kami ng Masci at patuloy pa rin ang ganoong pag-uusap. Nakita na rin naming bumababa ang section ni Elijah. So natuwa naman yung dalawang kong kasama pero hindi muna nila iyon pinansin kasi busy sila sa pakikinig ng kwento tungkol doon sa video ni Hayden at Maricar. Ahahaha. Nakita kami ni Zildjian at sumali sa usapan. Alam din pala niya iyon. So gumanda lalo ang usapan. Matapos noon nagpaalam na kami kasi oras na talagang umuwi. Hapon na rin kasi at kailangan ko ng umuwi.

Hay. Nakapapagod ang araw na ito. Pero sobrang saya. Ang sarap balik-balikan ang lugar kung saan ka naging masaya. Apat na taon din ako dito, apat na taong puno ng kasiyahan, apat na taong talagang hinding-hindi ko malilimutan. Sayang nga lang at hindi na ako high school. Kung pwede lang sana ibalik ang panahon ginawa ko na sana. Pero hindi eh. Hindi kaya. Kailangang umusad. Kailangang magpatuloy.

Hindi ako sigurado kung kelan ako ulit makapupunta sa MaSci. Pero isa lang masisigurado ko, bibisita pa rin ako rito kahit isang beses lang sa isang taon. Di bale. Babalik pa naman ako sa Foundation Day eh. Na-eexcite na ako ngayon pa lang.
i still believe at 1:51 AM with 0 comments

Sunday, March 22, 2009

Para sa aking mga guro...

Mga minamahal kong mga guro,

Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang sulat kong ito. Marami kasi akong nais sabihin ngunit hindi ko alam kung paano ko ito maisasaayos. Sige. Eto muna.

Gagraduate na ako! Hyess.

Sadyang masaya ang aking kalooban sapagkat matapos nang apat na taong paghihirap ko sa Manila Science High School ay magtatapos na ako. Tunay ngang nalagpasan ko ang apat na madudugong taon na iyon. Sa lahat ata ng kahirapang aking naranasan sa MaSci ay lagi kayong nariyan. Laging nariyan para magbigay nang mga gabundok na assignments. Nariyan upang magbigay ng mga projects. Nariyan sa pagbibigay ng mga quzzes, summative tests, perioidic exams, oral tests at lahat na ng pedeng gawan ng mga tanong ibinigay niyo na. Alam kong kakailanganin namin ang lahat ng iyan kaya nagpapasalamat ako sa inyo.

Nga pala. Maraming maraming maraming maraming maraming salamat sa lahat! Hindi ako magiging ganito kung di dahil sa inyo. Salamat sa pagbibigay ng grades, pag mataas. Sige na nga kahit mababang grades na rin thank you. Haha. Salamat sa pagbibigay sa akin ng kaalalaman. Marami akong natutunan. Salamat ng marami. Salamat sa pagpapasenyang binigay niyo sakin. Alam ko bobo ako sa math at medyo mahirap turuan pero I can manage naman diba. Kaya thank you.

Ay. Ewan ko kung bakit ko to ipagpapasalamat. Thank you sa hindi paghuli sa akin. Haha. You know what I mean naman. Ahahaha.

Di ko na siguro papahabain ang post kong ito. Nais ko lang naman magpasalamat sa lahat ng ginawa ninyo. Thank you, thank you very much!

Ang iyong makulit na estudyante,

Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
i still believe at 1:06 AM with 0 comments

Tuesday, March 17, 2009

Para sa Mga Lower Years....

Hay. Parang kailan lang ako iyong nasa posisyon ng mga taong ito. Noong first year ako nagkukumahog ako sa pag-aaral. Talagang lahat ng aking markang matatanggap ay aking pinaghihirapan. Pagdadaanan ko muna ang butas ng karayom para lang makapasa ako sa lahat ng subjects. Noong second year medyo lumuwag-luwag ng kaunti. Natutunan ko ang mga "tricks of the trade" ika nga ng nakararami. Natutong mangopya ng asaynment ng may asaynment at pati na rin sa mga quizzes at summative test. Third year ko natutunan ang lahat. Basta huwag mo nang alamin kung ano yung lahat na iyon baka magulat ka lang. Haha.

Lubos akong nagpapasalamat sa mga taong aking babanggitin sa post kong ito. Musmos man at wala pang kamuang-muang sa mundo ay nagawa nilang kahit papaano'y pasayahin ang buhay ko. Kung wala sila marahil hindi makukumpleto ang aking ikaapat na taon sa hayskul.

Mga First Years:

Mga aking naging kasama tuwing kami ay mayroong vacant. Masasarap kausap at masasayang kasama. Kahit na bata pa ang kanilang isip ay kahit papaano nagkakaintindihan kami.

Archimedes:

LOTHAN--Sino ba namang makalilimot kay Lothan. Ang cute na cute na batang aking nakilala? Ok. Sige maniwala na lang kayo sa akin. Kahit na may pagka... alam mo na, mabait din naman siya. Ang kailangan mo lang naman talaga ay pasensiya at makakaraos ka na.

ANA-- Nakilala ko noong Intrams. At naging kagrupo ko rin siya noong Math Camp. Mabait ang babaeng to. Sobra. Kaso may pagkakulet lang naman kung minsan. Haha.

MARGARITA-- Nakilala ko rin siya noong Intrams. Cute at masarap kausap. Kapag nagkakasalubong kami ay siya mismo ang nauunang mag-hi sa iyo. Hehe.

GERARD-- Di kami close pero kilala ko siya dahil sa aking magandang kaklase. Haha.

Armstrong:

LAZELLE-- Hindi ko alam yung spelling ng pangalan mo. Pero feeling ko tama naman. Hindi ko alam kung paano ko siya nakilala. Ang alam ko pinakalila siya sa amin ng mga kaibigan namin sa Fermi.

Curie:

VICTOR at JAMES-- Mga kagrupo ko sa Math Camp. Sadyang magagaling ang batang ito. Galing.

Euclid:

KAINOA-- Oo, si Kainoa. Weirdo yung pangalan niya no? Noong una nagkaroon kami ng masamang impresyon sa batang ito. Kinaaway ba naman ang mga fourth years at section ko pa ang inaway. Galing niya no? Pero nakausap na rin naman namin siya at mukhang nagbago na siya ng kanyang ugali.

Descartes:

ALJERI-- Nakilala ko dahil ke Ruzcko. Maganda tong batang to although hindi pa siya gaanong nagbobloom alam ko pagbalik ko at pagbisita ko sa Masci magiging Crush ng bayan ang babaeng to. Haha. Wag lalaki ulo ah.

JUBHIELYN-- Sana tama rin ang spelling ng pangalan mo. Haha. Kagrupo niya sila Aljeri. Makulit ang babaeng to. Haha. Nahuli ko to isang araw kumakanta sa may maliit na hallway sa may Bordner. Haha. Singer ka no?

KAREN-- Kasama rin niya sila Aljeri. Maliit man ang babaeng to alam ko may ibubuga siya. Mabait ang batang to. Masayahin. Masarap kausap. Hmmmm. Goodluck na lang sa mga susunod mo pang taon sa Masci. Hehe. Sorry naman a.

JEROME-- The only boy in the group. Hahaha. Makulit ang batang to eh. Itsura pa lang. Chubby. Parang kaklase ko lang. Lagi kong nakikitang tumatawa na parang wala ng bukas. Komedyante ka paglaki mo no?

Fermi:

Eto ang paborito kong section sa first year. Mababait kasi sila eh. Kaya ayun.

JENINE-- Huwaw. Best friend ko ata tong babaeng to. Madaldal siya katulad ko. Marami na rin kaming napag-usapan na talaga namang kabigha-bighani. Haha. Sobra kong mamimiss ang babaeng ito. Siya ang nagpapagaan ng pakiramdam ko tuwing makikita ko siya. Ang kulit kasi eh. Haha.

RUZCKO-- A eto. Batang laging problemado sa pag-ibig. Malay ko ba kung may sumpang dala ang batang ito. Basta ganun na lang siya. Nakilala ko siya nung Intrams. Sumayaw siya ng Womanizer. Galing nga eh. Ahahaha. Bata pa lang may potensyal na. Future heartthrob ata to pag-alis namin eh. Malay natin.

IANA-- Waw. Eto heavy talaga. Di ko na maalala kung kelan kami nagkakilala eh. Basta ayun. Bigla na lang kaming nagha-hi sa isa't isa, nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Sikat na sikat tong babaeng to sa first year eh. Siguro dapat ko pa siyang makilala ng mas mabuti kasi baka mamaya maging artista to eh.

ELIJAH-- Nakaaway ko tong batang to. Mayabang kasi eh. Nakakainis. E ayaw ko pa naman sa mayayabang. Kaya ayun. Nag-away kami. Haha. Ang sama ko. Pero bati na naman kami ngayon eh. Hindi na siya mayabang. Marahil nagkamali lang ako ng intindi sa mga ikinilos ng batang to.

KENNETH, MARIETTE, INAH, at IBA PA-- Hindi ko kabisado ang mga pangalan ng mga batang ito eh. Pero basta ang naaalala ko, nakatabi namin sila minsan noong lunch. Noong una pinaparinggan pa namin pero kinalaunan sumuko na kami. Mababait naman sila eh. Masarap din kausap. Hehe.

Galileo:

ADRIAN-- Nakilala ko nung nagkaroon kami ng dare kasama ng aking mga 7-11 Friends. Kahawig niya si Adrian ng batch namin. Oo. Pramis. Haha. Mabait din at magalang.

Lavosier:

Ito. Isa ring bestfriend ng section ko. Well, siguro ako lang pati nina Glazelle at Ginalyn. Diba Gigi? Ahahaha. Nice one.

CLEVERLYN-- Nako. Napakadaldal nitong babaeng to. Halimaw. Pareho kami. Walang minutong natahimik ang babaeng ito. Isa sa mga bespren kong first year. Makulit, masayang kausap, magulong kasama. Lahat na. All in one. Weeee.

PATRICIA-- Bitter Girl ang palayaw ko sa kanya. Nakilala ko noong Intrams. Grabe. Nakakatakot pala tong maging leader eh. Hayup. Magaling mag-volley ball. Haha.

DAINE-- Kapananampalataya ko to eh. Haha. Lalim no? Kapatid! Hehe. Nakilala ko dahil kay Cleb. Hindi ko maalala ang dahilan kung bakit ko siya gustong makilala. Basta nagkakilala na lang kami. Haha. Wag nang magpapatisod ah? Ayos ba yun kapatid?

ZILDJIAN-- Napakahirap naman ipronounce pangalan mong bata ka. Ahahah. Kapatid ko din to eh. Napakagulo mo kasama. Masarap ka ring kausap. Wag ka magbabago ah. Dapat pagbalik ko ganun ka pa rin. Ok? Tsaka, wag gayahin si Daine. Magsama kayong dalawa para di kayo matisod.

JORELL, JASON, ERIC, DALE at IBANG LAVO BOYS-- Kung gaguhan ang hanap mo, sila kausapin mo. Nakilala namin sa may stage. Nagpatalbugan pa nga kami ng jokes eh. Ahahahah! Yea.

Pasteur:

JETHRO-- Batang makulit. Pinagpapasa-pasahan ng nakararami. Hahaha. Peace tayo ah. Masarap kausap din, gago lang talaga kung minsan.

MICHIKO-- Hai. Haha. Nakilala ko dahil kay Zildjian ata. Di ko na maalala. Mabait. Maganda. Kapatid ko din to eh. Ang sarap pisilin ng pisngi ng batang to. Ang cute cute kasi. Ahahaha.

CRISTELLE-- Nakilala ko nung Intrams. Maingay to eh. Mahilig sumigaw. Di ata nauubusan ng boses eh. Ahahaha. Nakaaway ko rin to, siya nagsisimula eh. Ganun. Pero bati na kami.

Mga Second Years:

Mga batang nalagpasan ang unang taon sa Masci. Malagpasan rin kaya nila ang susunod pang dalawang taon?

MASARU-- Hapon na bata. Kilala ko na siya noong first year pa lang. Napakagalang ng batang to. Kahit na sinabihan ko na siya na huwag akong i-po ginagawa niya pa rin. Galing no? Matalino to eh. Sobra. Ahahaha. Goodluck sa iyong school life pati sa lovelife na din.

JESSICA-- Kagrupo ko nung Math Camp. Kahit sandali lang kami nagkakilala, masasabi kong mabait naman siyang bata. Matangkad to eh. Di pangkaraniwan para sa isang babae. Haha.

JAN-- Waw. Persyir pa lang ang batang to kilala ko. Actually, di siya bata eh, ka-edad ko lang naman to eh. So no use. Ahaha. Makulit to eh. Madaldal din. Magaling mag-English. Atenista eh, dati. Pahinga daw muna ngayong hayskul. Mayaman rin to. Hahaha. Rich kid!

JESSICA Z. -- Bago pa lang siya pumasok ng Masci kilala ko na siya. Mabait at tahimik nga lang lagi.

HILEN-- Tama ba spelling? Sana tama. Hahaha. Maganda tong batang to. Maputi. Kaso dati parang hindi ko siya magiging kaibigan, mukha kasing mataray eh. Pero di naman pala. Hehehe.

EPONINE-- Kay ganda ng kanyang pangalan. Syempre. Bida ata siya sa Les Miserables. Yung pangalan ah. Hahaha. Kepler to. Wohooo! Magaling eh. Lalo na sa taekwondo. Hyaaaa!

VENMARI-- Hyess. Ang ganda ng babaeng to. Sobra. Tall, dark and beautiful. Well di naman siya ganun ka-dark pero ayos na rin. Nakilala ko dahil ke Peter ata. Di ko na maalala eh. Basta ang importante magkaibigan kami. Haha. Pagbisita ko dapat maganda ka pa din ah. Hehe.

AYCAH-- Nagkakilala kami noong tinuro siya ng kanyang kaklase. Haha. Hinahanap ko siya eh. Basta ganun yun. Maputi to. Mukhang anemic eh. Pero mukhang di naman. Mabait din siyang bata katulad ng nakararami.

MARIANNE-- Ay nako. Patay na patay to sa kaklase ko e. Ahahaha. Galing niya kumanta. When will my reflection show blah blah. Ayunnn. Madaldal ang babaeng to. Bukambibig niya lagi si ano. Mahal niya eh. Ahahaha. Susundan pa naman daw pati sa unibersidad na papasukan? Galing!

JONAN-- Mahaba buhok neto. Pramis. Haha. Magaling sumayaw. Small but terrible ang dating eh. Kilala ko siya first year pa lang siya. Curie diba? Hahaha. Ipagpatuloy ang iyong magagaling na pag-indayog. Aja.

JESPER-- Kagrupo ko nung Math Camp. Halimaw to sa Math eh. Galing. Kaso mahiyain, di man lang nagvolunteer na tulungan kami nung sa Mental Math. Haha. Pero kahit papaano ay nakatulong din siya. Siya na pinakinggan nung mga game master eh. Kahit di siya kasali. Ahahaha.

ANA-- Taga-curie noong first year. Mabait na bata. Hindi ko lang maalala kung kelan kami nagkakilala. Basta ang masasabi ko mabait siya.

SEANNE-- Napakacute ng batang to. Haha. Mabait at masarap kausap. Palakaibigan din. Kaya nga kami nagkakilala eh. Ganun yun. Ehehehe. Goodluck ke ano ah. Ahahaha.

AURELENE-- Sus. Kilala ko na to wala pa siya ng Masci. Hehe. Makulit to eh. Me gusto daw siya dati ke ano. Secret ko na nga yun. Ahahaha.

RAFFY-- Tahimik. Pero magaling daw magjoke nga mga berdeng jokes. Di ko alam. Di ko naman siya masyado nakakausap eh. Hahaha.

JOSE-- Makulit to. Madaldal. Nagkakasabayan kami minsan sa LRT. Minsan lang naman.

NICOLE-- Nakilala ko to sa plurk. Online buddy. Hahaha. Kulot. Mabait. Masarap kausap. Nag-one on one talk na rin kami neto eh. Bawt sa future. Goodluck sa Architecture.

FRANZ-- Hmmm. Tahimik ang batang to. Pero ramdam ko napakakulit niya. Di ko lang sigurado. Hehehe.

REMZ-- Ah. Tong batang to? Ahaha. Makulit. Madaldal. Athletic. Mabait. Magkaibang magkaiba kami neto eh. Di ko lang alam kung bakit kami naging close. Basta, tadhana siguro. Ahahaha. Eto lang masasabi ko sa iyo. Huwag kang maghintay ng matagal. Paano kung di ka naman nun mahal? Wala ring mangyayari. Pero ikaw bahala. Nasaiyo ang desisyon.

Mga Third Years:

Nako. Kumukulo dugo ko pag third year pinag-uusapan. Di ko makalimutan yung nangyari noong Intrams eh. Sobra. Anyways, di naman lahat masama eh. Kaya ayos lang. May mga panira lang talaga.

JANE-- Bespren. Hahaha. Lahat ata ng problema neto halos alam ko na eh. Hehe. Tsaka mukhang buwan buwan na lang me problema to sa pag-ibig. Nakilala ko to dahil kay Adelyne na dahil na rin kay C. Ayun. Mabait at masayang kausap. Sa kanya ko nakukuha ang mga ilang happenings sa kanyang batch. Siya rin ang source ko noong lulubog lilitaw pa ang prom.

ADRIAN-- Ayan magkasunod na kayo ni Jane. Sana naman maging masaya kayo sa isa't isa. Alam ko naman kaya niyo eh. Mabait naman tong batang to. Kaya lang... minsan yumayabang. Pero mabait pa rin. Ayos na.

ARVIE-- Nako! Mamimiss ko to ng sobra sobra. Hindi mapapantayan ang kadaldalan ng babaent ito. Hayuppp! Mabait din to eh. Masarap kausap. Gago kasama. Kaya nga mabilisan kaming naging close eh. Field Demo noong nakilala ko siya.

KRISA-- Uhhh. Kepler siya dati kaya ko nakilala. Mabait at maganda ang babaeng ito. Parang lagi nga lang umiiyak kasi mapula-pula yung pisngi niya.

GLEA-- Hmmm. Maganda ang babaeng to. Pramis. Mabait din. Magalang nga eh. Kahit magkaedad lang kami. Hahaha.

DWIGHT-- Lagi ata siyang escort ng gabay ng wika kaya nakilala ko siya. Pabago-bago ng minamahal taon-taon pero ngayon stick to one na ata. Goodluck sayo!

Ayan. Napakahaba ng aking post. Mas mahaba pa sana ang aking gagawin kaso wala na akong oras. Pasensya sa mga hindi ko nabanggit. Sorry.

Mahal ko kayong lahat. Walang kalimutan ah. Keep in touch lagi.
i still believe at 4:29 AM with 0 comments

Sunday, March 15, 2009

IV-Lawrence 09.

"Lawrence, We are the LAW!"

Ang Lawrence...

Tatlumpung magkakaibang indibidwal.

Labing-apat na naggwa-gwapuhang mga binata.

Labing-anim na naggagandahang dalaga.

Iba't-ibang personalidad.

Pinagsama-sama ng tadhana.

Kami ang Lawrence.

Sa apat na sulok ng M13 nabuo ang kanilang walang kapantayang pagkakaibigan. Sa apat na sulok ng kwartong ito nabuo ang lahat. Dito nabuo ang mga masasayang karanasan ng bawat isa. Dito rin naglabas ng kani-kanilang saloobin tungkol sa isa't-isa. At dito, sa M13, maitatago ang mga masasayang alaala ng mga estudyanteng pansamantalang nanirahan dito.

Sila ay ginagabayan at sinusuportahan ng isang dyosa.
Maganda, maganda, at talaga namang ubod ng ganda.
Si Mama Carlos.

Ang Batas:

McLevi Alub

Siya ang B1 ng klase. Laging napag-uutusan ni Sir Bangayan. Nanalo bilang Most Transformed noong nakalipas na Prom. Hindi ko mawari kung paano nangyari iyon sapagkat wala namang nagtransform sa kanyang itsura. Ang aming teorya, mula sa pagiging basang sisiw, naging isang ganap na siyang bampira. Haha. Gwapo daw ito sabi ng nakararami. Saan banda? Hindi ko ata makita ang anggulo na kung saan ay masasabing gwapo siya. May appeal siguro oo. Cute? Pede na rin. Mahiyain sa mga babae, ewan ko ba. Para siyang pusa na takot sa tubig, kaso nga lang, sa babae siya natatakot. Ni hindi man lang makapagsabi ng "hi" o kaya "hello" sa kakilala niyang babae. Sabagay, ganun talaga siguro siya eh. Mahiyain.

Aron Fyodor Asor

Magaling sa asignaturang Pisika at Matematika. Magaling din siyang maging kuya sa nakararami. Hindi mo aakalain na ang utak ng taong ito ay naglalaman ng sandamakmak na words of wisdom. Siya ang payo ng lahat ng mga payo. Magaling eh. Sa lahat ng larangan, ma pa pag-ibig, pagkakaibigan, academics, at kung ano-ano pa. Lahat na ng salik ng buhay may masasabi siya. Kaya pag may problema ka, lapit ka lang sa kanya, medyo gagaan ang loob mo kahit kaunti. Pepe Smith din pala to. Rock on! Kahawig daw niya si Pepe Smith. Hindi ko lang alam kung totoo iyon. Marahil totoo nga sapagkat pareho silang mapayat. Haha. Sa ibang aspeto, uhhh, wala na akong alam.

Leandro Angelico Carandang

Ang taong punong-puno ng gadget ang bag. PSP, Nintendo DS, MP3, at kung ano-ano pa. Lahat na ata ng bago sa technology natin ngayon ay mayroon siya. Magaling siya sa halos lahat ng asignatura, medyo umaalog nga lang kapag Filipino na ang pinag-uusapan. Pero sa lahat lahat, magaling talaga siya. Paborito niya ang mga Dragon. At huwag ka ng magtanong kung bakit, kasi maski ako hindi ko alam. Mahirap ding alamin kung ano ang nasa isip nito. Masyado kasi siyang tago at hindi nahahalata ng mga tao kung ano ang nilalaman ng kanyang utak paminsan-minsan. Magaling sumayaw. Ibang klase pala to pag sumayaw, lalo na kapag tinopak siya, nako, mapapaindak ka talaga. Although laging mahirap ang kanyang mga steps na naiisip, for sure, kapag may criteriang difficulty, perfect na iyon agad.

John Marc Cho Santos

Chikadora sa Lawrence. Mga chismis sa loob at labas ng Masci nasasagap niya. Para siyang si Boy Abunda na may halong Kris Aquino at kaprangkahan ni Cristy Fermin. All in one. Siya ang walking The Buzz sa Masci. Siya rin ang Dakilang Ice Candy King. Iyon siguro ang hindi makalilimutan sa kanya ng nakararami. Madaldal at sobra na namang daldal. Wala atang minuto siyang natatahimik eh. Lagi kasi siyang may nasasabi tungkol sa mga bagay-bagay. Kaya siguro marami ang naiinis sa kanya dahil na rin sa kadaldalan neto. Pero kahit papaano naging mabuting kaibigan naman siya. At kahit papaano ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang magbago ng kanyang ugali.

Justin Angelo Dañas

Dyesebel. Hindi ko rin maalala kung bakit ito ang naging palayaw niya sa aming pangkat. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung kanyang role noong isang pangkatan sa Filipino. O well. Bahala na kayo ang magsabi kung ano at bakit siya naging Dyesebel kasi ako mismo hindi ko alam. Magaling maglaro to ng basketball. Nagtataka ka siguro kung bakit ito ang naging hilig niya. Maliit kasi siya at payatot, parang si Palito, kaya nga lang mas gwapo. Hindi, ubod ng gwapo. Haha. Hindi man siya nabiyayaan ng tamang tangkad ay hindi naman ito naging hadlang para maglaro siya ng basketball. Pinangarap din niyang maging basketbolista pero sa ngayon pag-aaral daw muna ang kanyang aatupagin. Mahirap to kausapin ng matino, paano ba nama'y sa gitna ng usapan ay bigla siyang magpapasok ng kung ano mang banat na talaga namang kaiinisan mo. Grrrr. Pero kahit papaano nama'y mabait to, mag-ingat ka nga lang kapag nasa estado siya ng pagbibigay ng mga walang kwentang banat. Peace tayo.

Philip Judson De la Vega

Siya ang pinakabagong myembro ng Teletubbies. Haha. Dahil sa angking niyang kalakihan at kakyutan ay pasok na pasok na siya sa grupo ng mga mascot na nagpapasaya sa mga bata noong unang panahon. Hindi ko na nga maalala kung buhay pa ang grupo nila ngayon eh. Ah basta, pasok na siya sa pagiging Teletubbies. Malaki ang kanyang pangangatawan at malaki rin ang kanyang puso. Marunong magpahalaga sa kanyang mga kaibigan. Kapag pagkain naman ang usapan, mag-offer ka lang sa kanya ng kahit anong edible na pagkain ay kakainin niya agad. Hindi siya namimili ng kanyang kakainin. Haha. Food Monster kung baga. Siya ang walking printer. Paano ba nama'y lahat ng printing job sa Lawrence ay nakuha na niya. Perfectionist at malinis gumawa. Iyan si Biboy.

Lincoln Sam Disu

Well, masarap naman siyang kasama. Noong unang panahon iyon at marahil ay hindi na iyon maibabalik. Malay ko ba. Lumaki kasi bigla utak niya at nagyabang ng bonggang-bongga. E ayaw ko pa naman sa mga taong mayayabang. Kasi pumapatay ako ng mga taong ganun. Swertihan na lang at nagtitimpi ako dahil kahit papaano ay nagtitimpi pa ako. Puro negative na lang ba ilalagay ko rito? Hindi siguro. Maglagay naman tayo ng kahit kaunting positive. Magaling to sa Math at Physics. Sa lagay na ito pinupuri ko siya pero wag ka masyadong magfeeling at baka magyabang ka na naman. Sinabi ko lang ang totoo. Ang pinaka-naaalala kong memorya sa kanya ay iyong noong nanlibre siya sa KFC. Matagal na matagal na ito. July pa noon at pagtapos nun wala na akong maalala. Nagkaroon ata ako ng amnesia.

Jermie Domingo

Glub glub glub. Blah blah blah. Iyan ang lagi mong maririnig sa kanya lalo na kapag siya ay nagrereport. Siya lang ang taong may kayang gumawa at mag-imbento ng sariling lenggwahe sa loob lamang ng ilang segundo. Galing diba? Magaling din itong magsabi ng tounge twister. Wala ka kasi talagang maiintindihan sa mga sinasabi niya. Kailangan pa ata ng translator. Seryoso. Haha. Papa Abs ang tawag sa kanya ng iba. Ewan ko. May abs daw siya eh. Pero meron naman talaga. Ayaw ko lang umamin na meron. Hahaha. Oyea. Magaling din tong magbasketball. Varsity eh kaya ganun siya. Pulis daw siya paglaki niya. Baka nga maging kotong cop to eh. Malay natin.

Jorelle Valenz Flores

Ano naman kaya masasabi ko rito? Palagi siyang absent at wala sa klase. Hindi rin namin alam kung saang lupalop siya ng Pilipinas makikita. Ginawa na namin lahat ng paraan para matuntong siya pero mukhang ayaw niya talagang magpakita. Magaling mag-volleyball. Kasapi rin siya sa varsity ng Masci. Hmmm. Ano pa ba? Mabait at masayang kausap. Siya rin ang pinakamatandang lalaki sa pangkat kaya magaling din siyang kuya sa nakararami. Valentine's Day ang kanyang kaarawan kaya Valenz ang naging second name niya. Sa Jorelle naman... hindi ko alam. Hindi naman ako ang walking encyclopedia eh.

Jedd Jose Mickael M. Hidalgo

Ako? Magulo, maharot, madaldal, makulit, masarap kausap, masayang kasama, gago, bibo, siraulo, at mabuting kaibigan. Laging may dalang kamera para makuha ang mga masasayang alaala ng pangkat. Vain din ang batang to. Walang minuto na hindi siya kumukuha ng larawan, kanyang sarili man o kanyang mga kaklase. Mahilig makipag-socialize sa nakararami. Kaya nga napakarami niyang kaibigan eh maging sa mga nakababatang batch. Adik sa paggawa ng mga maiikling nobela. Hilig niya ang pagsulat, kaso sa Filipino nga lang. Dinudugo kasi siya pagdating sa English kaya minabuti niyang sa Filipino na lang siya magsulat. Magaling siya sa History kaso lang wala ng history ngayong fourth year kaya wala na siyang subject na masasabing magaling siya. Marahil ay Humanities pwede na. Average lang naman siya sa lahat ng asignatura. Pantay lang.

Fermin Nasol III

Kung may the first at the second, mawawala ba naman si the third? Yep. Siya nga siya, ang dakilang the third ng pangkat. Makulit at mahilig mantrip kung minsan. Dati ay ubod ng yabang siya ngunit ngayon nagbago na siya. Dahil siguro ito isang taong kanyang minamahal. Mabait na kuya. Mapang-unawa sa kapwa. Maasahan sa oras na kinailangan mo siya ngunit huwag kang masyadong umasa baka mainis ka lang. Peace. Mahilig din gumawa ng mga kwento kwento. Ito rin ang dahilan ng blahblahblahblah. Mahabang kwento. Pero in the end naayos naman ito. Balbon at puno ng buhok. Siya yung buhok na tinubuan ng bibig, mata, ilong, tenga, mga kamay, mga paa at katawan. In short, siya ang taong buhok. Haha.

Alvin Anthony Pacis

TLE, TLE, TLE. Wala na atang inatupag to kundi TLE. Haha. Ay hindi lang pala TLE, pati rin pala ang babaeng kanyang minamahal. Oha. Mabait naman tong taong to. Masarap pakisamahan at masayang kausap. At nga pala, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo kapag kinakausap mo siya, kasi bawat salita ay may masasabi siya. Tulad neto, Kausap? Diba Ketchup yun? Halimbawa lang iyan. Mas marami pa kapag nakausap mo siya ng personal. Sa halip na matawa ka ay iba ang mararamdaman mo. Inis pero panandalian lang naman dahil kapag nainis ka bigla ka na lang tatawa. Weirdo no? Ganun talaga ang buhay.

Mark John Sacramento

What are you noisy about? Proud na proud niyang sinabi ito noong isang presentation namin sa English. Haha. Kung gusto mo ng matinding laughtrip, sumama ka lang sa kanya, sasakit ang tiyan mo sa katatawa. Pauso sa mga banat ang batang ito. Iyon siguro ang hindi makalilimutan sa kanya. Pati ang mga spelling tests na ibinibigay namin, haha, magtataka ka kung fourth year ba talaga ang batang to. Kung Physics ang labanan, panalo siya. Pero kapag Englishan na, aba, patay na tayo diyan. Diyan na magkakatalo ang lahat. Mahilig din siyang makipagkaibigan kaso lagi nga lang sa mga lower years. Binansagan nga siyang "pedopile" eh. Di na lang ako mag-eelaborate.

Kristoffer Sanchez

Manong ang tawag sa kanya ng nakararami. Ewan ko kung bakit eh. Basta ang alam ko noong second year pa sa kanya tawag ang ganun. Humiwalay siya sa mga kalalakihan noong kinuha niya ang klase ng Journalism kasama ang dalawa pang tao sa Lawrence. Lagi niyang pinamumukha na mas maganda sa journ, langit sa masci ang journ, at kung ano-ano pa tungkol sa journ. Basta. Ganun yun. Adik sa internet. Makikita mong magdamag siyang online at tila hindi na umaalis sa kanyang kinauupuan. Madalas ay nanunuod siya ng mga pelikula, pero madalas ay wala lang talaga siyang magawa. Mabait at malambing na kaibigan. Makulit kasama at medyo may kadaldalan din ng minsan. Hahaha.

Ginalyn Cabansag

Tongonomo! Hindi mo ba naiintindihan ang lenggwaheng ito? Ako naiintindihan ko. Nasanay na kasi ako sa kanyang nuno language. Mula sa kailaliman ng lupa, ipinanganak si Gigi. Pero syempre joke lang iyon. Kaya lang siya nabansagan bilang nuno sapagkat maliit siya at cute. Pero hindi siya tulad ng mga nuno na masasama ang mga ugali, kakaiba siyang nuno. Mapagmahal at palakaibigan siya. Hindi siya yung tipong susumpain ka na hahaba ang kung ano mang parte ng iyong katawan. Mabait siya eh. Di tulad ng iba. Haha. Napansin ko lang... bakit ba laging sa nuno ko na lang siya ikunukumpara eh ang pagkakatulad lang naman niya sa isang nuno ay kanyang pagiging maliit. O well. Tatangkad din ako, iyan yung motto niya. Malay natin, baka mamaya kasing tangkad na niya si Chris Tiu pagdating ng araw.

Glazelle Cabugon

Ang resident maldita ng Lawrence. Marahil sa unang tingin masasabi mong maldita siya pero kapag nakilala mo siya ng husto nako, baka magpakamatay ka dahil sa sobrang bait niya. May mga oras nga lang talaga na mataray siya pero hindi naman lagi e. Vain din tong babaeng to hindi mo lang alam. Kasi kapag kinalkal mo ang gallery ng kanyang cellphone ay doon mo makikita ang tiba-tiba niyang larawan. Haha. Masarap kasama at masayang kausap. Adik sa mga eroplano ang babaeng to, pangarap niya kasi maging piloto. At ang una niyang proyekto? Gawing runway ang Masci. Hahaha. O diba? Adik! Palakaibigan din siya at mapagpahalaga sa mga kaibigan. Huwag mo lang siyang aawayin kundi mamatay ka ng wala sa oras.

Denise Castro

Miyohohohohohohohoho! Kung di niyo naintindihan kung ano yun, ako na lang magsasabi. Iyan ang isa sa mga vocalization. At baket ko nilagay iyon? Kasi Choir itong si Denise. Nagtataglay ng magandang boses. Kaya niyang basagin ang isang baso gamit ang kanyang boses pero syempre hypothesis lang to kasi hindi pa naman niya nagagawa ang bagay na iyon. Pero may tsansang magawa niya iyon. Magaling sa English yata ang babaeng ito. Booklover. Mahilig magbasa ng libro. Minsan makikita mo na lang siya sa isang tabi nagbabasa ng isang libro. Tahimik din pero nakikipag-usap din naman siya kahit papaano. Sergeant namin to. Maam Yes Maam!

Camelle Mae Celis

Camae na lang for short. Siya na ata ang pinakamakulet sa lahat ng mga babae. Hyper to eh. To the maximum level. Nagtataglay ng shampoo commercial na buhok. Hindi pina-straight, hindi rebonded, natural na natural. Silky Smooth ang kanyang buhok ayon kay Zohan. At parang shinampoo lang niya to tulad ng sabi ni Maja. At siguradong walang dandruff sabi ni Angel. Mabait at masarap kasama. Volleyball lady at kasama sa varsity. Galing magserve, sumalo at mag-spike. In short, magaling maglaro ng volleyball. Hahaha.

Kirstie Madeliene Cruz

Nako. Patay tayo dito. Napakagaling umarte neto eh. Pambest actress. Haha. Kahit anong role siguro ang mapunta sa kanya ayos lang eh, kayang-kaya niya naman eh. Lalo na noong naging baliw siya. Hanep. Pinalakpalakan ng buong madla ang kanyang pag-arte. Mabait at masayang kausap. Madaldal rin kasi tong babaeng to eh. Ahahaha. Hindi man naging ganung kaclose ang mga tao sa kanya pero kahit papaano naging mabuti naman siyang kaibigan.

Andrea Indah Delgado

Ang Prom Queen! Beauty Queen! At Reyna ng Kagandahan! Waw. Hindi ba ako naging redundant? Haha. Maganda kasi siya eh. As in maganda talaga. Magaling ding umarte. Taon-taon ay nagkakaroon siya ng bagong hairdo. Sa taong ito, nakatatlong palit na siya ng kanyang buhok. Mula sa maikli, tapos naging kulot, tapos ngayon ay straight at ready to go na siya. Presidente ng pangkat. Masayang kasama, masarap kausap. Kalog kung baga.

Sofia Marie Delos Reyes

Isang salita lang ata ang makakapagdescribe sa babaeng to. Bangag. Ang kanyang kabangagan ay abot hanggang langit. To the maximum level highest ng bonggang bongga. Laging unli at mahilig makipagtext. Iyan si Sofia. Mabait ang batang ito at laging bukas ang gate para sa aking section. Bukas ang gate sapagkat sa kanyang bahay kami laging nagprapraktis kapag mayroon gagawing proyekto. Nagsilbing refuge house na ng Lawrence ang kanilang bahay sapagkat dito nabubuo ang mga masasayang alaala ng pangkat. Muli, bangag siya. Mag-ingat ka dahil nakakahawa ang kanyang kabangagan. Pinagsabihan na kita ha.

Patricia Di

Journ Queen! Nag-iisang babae sa Lawrence na kumuha ng klaseng Journalism. Hanggang ngayon ay makakakita ka pa rin ng kanyang mga kamukha. Sa loob at labas ng Masci, may makikita kang kanyang kahawig. Parang mga sariling clone ang makikita mo. Itong babaeng to ay mahirap kaawayin. May sarili kasi siyang paninindigan at kahit anomang topic ang iyong ibigay ay kaya niyang salungatin ito at protektahan ang kanyang panig. Kahit na napakawalang kwenta ng kanyang sinasabi at kanyang panig na prinoprotektahan ay mapapa-wow ka na lang bigla. Ganun talaga si Patty. Mahilig mag-SOPA. Stating of Patty's Address. Magaling ding gumawa ng istorya kaso English ang kanyang ginagamit na lenggwahe.

Ileana Anika Domondon

God's Favorite Child. GC. Link Club. Englishera. At kung ano-ano pa. Siya si Anika. Mahal na mahal niya si Zac Efron at walang nakakaalam ng tunay na dahilan. Pero hindi na raw ata ngayon. Nagbagong-buhay na siya. Garapon at Garapata. Diyan ata siya naging kilala. Yung garapata daw kasi yung jar. Oha. Galing galing diba? May accent din siya sa pagsasalita. Yung british accent na may halong american accent at haluan mo pa ng filipino accent. Ayun. Halo-halo. Tagapagdala ng mabubuting balita, kanyang adhikain sa buhay. Maging isang doctor-missionary kanyang pangarap na nais abutin.

Noriko Hayashi

Noriko Buriko. Norshi De Horsie. Hahaha. Mga ilang tawag lang namin ito sa aming pinakamamahal na Hapong kaklase. Ne hao ma? Haha. Joke lang. Instik pala iyon. Eto. Arigato. Tama diba? Kilala rin sa pagiging itlog nito. Siya nga sa katunayan ang mascot ng Lawrence. The Egg Yolk, The Human Egg, The Egg Monster. Siya si Noriko. Naaalala ko pa noong selebrasyong ng kanyang debu. Talaga namang napaiyak siya at nagulantang sa mga naganap. Wala kasi siyang kaide-ideya na mayroon kaming pinaplanong surprise party sa kanya. Siya ang pinaka-unang nabigyan ng party sa Lawrence. Dakilang ingat-yaman ng pangkat. Iginagalang at nirerespeto ng nakararami.

Karen Ann Labsan

Halimaw to pagdating sa English. Hayup men! Hayup! Walang papantay sa kanya pagdating sa English. Haha. May accent din siya sa pananalita pero di hamak na mas magaling si Anika. Peace Renka. Siya daw ang Raven. Ewan ko kung saan niya to napulot basta isang araw naging Raven na lang siya bigla. Ganun yun. Maniwala ka sa akin. Tahimik at lagi mong mapapansing natutulog kapag oras na ng Math. Magaling siya doon eh. Kaya tinutulugan na lang niya. Oyea. Magaling magmahal. Araw-araw tong masaya eh kasama ng kanyang minamahal na nasa Lawrence din. Ayieeeh. Malalim kung mag-isip. Galing no? May panindigan at sariling paniniwala. Kaya rin niyang pangatawanan ang bawat desisyong gagawin niya.

Alyssa Jayrose Lapira

Silent type rakista ata tong babaeng to. Rock on! Mahilig sa mga bagong kanta at sa Paramore. Oo, adik siya doon. Pero kamakailan lang ay sabi niya na hindi na raw Paramore ang gusto niya. Hindi ko na alam kung ano yung bago at hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ayaw na niya sa Paramore. How can I decide what's right? Haha. Silent type vain din ang babaeng to. Paano ba nama'y patago siyang nagpapakapicture at nagpapakavain. Magugulat ka na lang na sa kanyang cellphone ay may album na dedicated lamang para sa kanyang sarili. Hehe. Uhmm. Ano pa ba masasabi ko sa kanya? Wala na. Speechless.

Keesha Marie Morante

Kahit anong tugtog ang patugtugin mo, siguradong iindak na ito agad agad. Magaling siyang sumayaw. Mala-Beyonce, Marimar at kung sino pang sikat na tao diyan sa tabi tabi. Magaling din siyang kumanta. Noon mga unang araw sa Lawrence ay naging hit single at laging nasa top 1 ang kanyang kantang "I'm like a bird I only fly away..." Mali ata ang lyrics ko kaya pagpasensyahan niyo naman. Basta iyon iyon. Top 1 nung second quarter. Bakit parang ito lang yung naaala kong naging Top 1? Malay natin. Hahaha. Magaling sa Physics at Math. Pambato namin to eh. Hehehe.

Louise Anne Siguiente

Kapatid! Hahaha. Pareho lang kasi kami ng relihiyon ng babaeng ito eh. Kaya ganun. Ehehehe. Hmmm. Tahimik tong babaeng to, pero kapag nakausap mo ay magsasalita rin naman siya. Nais lang niyang maging tahimik. Nagpapakaemo siguro. Ang babaeng sawi sa pag-ibig pero ngayon siya ay "Moving on, moving on." Alam ko kakayanin niya iyon. Nabigla lamang siya sa mga sulutan, at palitan na nangyari sa kanya. Pero sa paglipas ng panahon ay maghihilom rin ang sugat na iyon at magiging dating Lois na siya. Sekretarya ng grupo, hindi nakalilimutan na gawin ang kanyang dapat tungkulin na gawin para sa klase.

Jeralyn Verdejo

Ang babaeng egyptian. Naka-ilang balik ata to sa salon para lang marebond ng maayos ang kanyang buhok. Makalipas kasi ng isang araw ay nagiging buhaghag na ito at nawawala sa ayos. Pero mabuti na lamang at tumino na ang kanyang buhok kahit papaano kaya ayos lang. Magaling sa Computer Science at Math. Kahit na medyo hindi halata. Pramis. Magaling siya. Top 1 noong first quarter. Waw. Naaalala ko pa. Galing ko talaga. Dakilang sulutera sa pangkat. Lahat na ata ng may relasyon ay nakikisingit siya. Haha. Peace. Ganun lang tawag sa kanya pero mukhang di naman ata totoo eh. Ata. Hindi sigurado.

Genevieve Vicente

Ang nanay ng bayan. Magaling mag-aruga at mapagmahal sa kapwa. Alam niya ang dapat niyang gawin sa panahon ng isang emergency. Kahit na pinagkaitan siya ng tadhana ng tangkad, pinuno naman ang kanyang puso ng pagmamahal. Oha. Ang lalim. Inspired kasi to lagi eh. Haha. Magaling pagdating sa Computer Science at Finite Math. Hehe. Martir nga lang talaga kung minsan. Kahit alam na niyang nasa bingid siya ng panganib ay sige pa rin siya. Takot ata to sa clinic eh kaya ayaw niya pumunta doon. Diba Inay?

Batas kung Batas!

Sila ang mga estudyanteng bumubuo sa pangkat Lawrence.

Makukulit, madadadaldal, masasarap kasama, at masasayang kausap.

May crab. May GC. May nagpapakaGC. May feeler. May tahimik.

Halo-halong mga karakter.

Sama-sama sa iisang pader.

Sila ang Lawrence.

Ang batas na umiiral sa loob ng Manila Science.

Isang pamilya. Isang pangkat.

Lawrence!

"Our Friendship will last forever..."


i still believe at 5:00 AM with 0 comments

Saturday, March 14, 2009

Tama na ang kayabangan!

Hindi ko lang talaga mawari kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako masabi na best section ko ang Lawrence. Ewan ko ba. Marami lang talaga akong mga taong hindi magustuhan sa pangkat na ito. May mga taong hanggang sa ngayon ay napakahirap pakisamahan at mayroon din taong ubod ng yabang, yung para bang kayabangan na tinubuan ng mukha. Haha. No offense pero yun yung tingin ko sa kanya. So ayun.

Oo, marahil ay nagsisimula ako ng away sa pagsisimula pa lamang ng post na ito. Pero sana man lang intindihin na lang kung ano man ang nakalagay dito. May pagkakamali at may pagkakamali rin ako. Marahil ang pagkakamali ko lamang ay yung masyado kong binigyang pansin ang kagaguhang pinagagawa mo sa akin. Malay ko ba. E ganun ako eh. Mahirap kasing magtago ng nararamdaman e.

Nagkaroon na rin ako ng ibang cases ng kayabangan. Ayoko sa lahat yung taong ubod ng yabang eh. Kumukulo ang dugo ko kapag may nararamdaman akong kayabangan sa paligid ko. Ewan. Ako, aaminin ko na paminsan-minsan yumayabang ako pero hindi naman lagi eh. Di katulad nung ibang tao na diyan na oras oras eh nagyayabang e wala namang ipagyayabang. Siguro mayroon pero pede ba, matuto ka namang lumagay sa oras. Tsaka wag mo akong basta yayabang-yabangan kundi mapapatay kita ng wala sa oras. Seryoso. Kaya mag-ingat ka.

Ayoko nga rin pala sa mga taong crab, alimango, nang-iiwan. In short, bitchy. Ang epal eh. Hindi ata alam yung salitang unity. Kala ko pa naman matalino ka or something. Pero simpleng salitang unity hindi mo alam. Alam ko na minsan hindi applied yung unity sa lahat ng bagay, pero siguro naman may malasakit ka sa kapwa mo. Natuwa nga lang ako bigla nung nalaman kong yung mga nang-iiwan bigla biglang kinakarma. Haha. Buhay nga naman.

Tama na siguro ito. Hindi ko man nalabas lahat ng aking hinanakit, medyo gumaan-gaan naman ang loob ko. At saka, patapos na ang school year. Dalawang linggo na lang at matatapos na ang school year. Sapat na siguro ang mga oras na iyon para magtimpi at magtago ng aking mga saloobin. Kaya ko to. Aja!
i still believe at 9:52 PM with 0 comments

New Blog, New Life.

Waw.

Nakagawa muli ako ng panibagong blog ko. Matapos ng ilang buwan ng pagiging inactive sa blogging world ay sa wakas nakabalik na muli ako. Matagal tagal din akong hindi nakapag-blog eh. Sa sobrang siksik kasi ng schedule at napakaraming mga ginagawa. Pero narito na muli ako ngayon, handa na sa panibagong mga hamon ng blogging. Haha. May ganun?!

Nga Pala....

Happy Birthday My New Blog.

O hanggang dito na muna ang aking unang post. Asahan niyo na mas marami pang darating rito. Hanggang sa muli!
i still believe at 9:32 PM with 0 comments

warning!

This is MY Blog.
Kung ano man ang nakalagay dito, nakao-offend man o hindi, wala kang pakialam.
Akin naman ito eh, hindi sa iyo.
Kapag nainis ka sa laman neto, paki ko sa yo. Gumawa ka rin para masaya ka.
Ok?

whats special about me


Welcome to my blog.
Jedd Jose Mickael M. Hidalgo
"Jedd" for short
I am 15 years old.
Senior.
Mascian
Diligence
Kepler
Hertz
Lawrence
DILIKEHERENCE!

cherishes

I love myself.
I love Dilegence.
I love Kepler.
I love HERTZ.
I love LAWRENCE.
I love Masci.
I love YOU!


plurkness

Plurk.com

drop a message


friends

DLH-folio
PERSONAL LINKS
My Friendster
My multiply

HERTZ
Hertz's Official Blog
Kristofather
Jeremother
Kenna "Monkey Girl" Babon
Soraya "Susa" Oliveros
Melysa "Cuddler" Miranda
Andrea "Mommy Dhey" Delgado
Katrina "Cupcake" Bertol
Peter "Donut" Quetulio
Andre "Kulot" Sandoval
Beverly "Honeybunch" Maquiñana
Pauline "Jane" Dela Vega
Annalyn "Masang Frend" Masangkay
Ianna "Sister" Lopez
Jake "Mr. Dinosaur" Matibag
Patrcia "Honey" Di
Natasha "Lukaret" Lucas
Benjie "Beauty" del Rosario

LAWRENCE
Lawrence's Official Blog
Kristoffer Sanchez
Karen Labsan
Glazelle Cabugon

BATCHMATES
Almira Jota
Diana Orolfo
Reyzille Illazar
Claudine Faylogna
Mommy Ella Masamayor
LOWER YEAR FRIENDS
Jan-Daniel Belmonte
Cleverlyn Mayuga
Iana Madlangbayan
Aljeri Agnasin
Aycah

remember the days